BAGUIO CITY – Hindi naging hadlang ang lamig ng panahon sa Baguio City at Benguet para maagang mag-donate ng dugo ang mga blood volunteers at mga estudyante sa taunang Dugong Bombo na ginaganap sa Malcolm Square ng Baguio City at sa Kilometer 5 Public Market sa La Trinidad, Benguet.
Una nang tiniyak ng mga volunteers, supporters at fans ang kanilang presensiya para masuportahan ang naturang aktibidad.
Kinumpirma rin ni dating PNP-CIDG chief at ngayon ay Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang pagdo-donate nito ng dugo sa Dugong Bombo 2019.
Sa ngayon, ilang mga estudyante ng criminology at mga volunteers ang succesful blood donors habang may dalawang dayuhang nakapila para mag-donate.
Kabilang pa sa mga siguradong magbibigay-donasyon sa kanilang dugo ang mga kasapi ng Philippine National Police, mga reservists ng Armed Forces of the Philippines, mga member ng PNP, BJMP, PDEA at BFP at mga estudyante, kasama na mga criminology students ng iba’t ibang paaralan sa Baguio at Benguet.
Naitala ang 15.0 degrees Celcius na pinakamababang temperatura sa lungsod ng Baguio.