-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Bubuksan ngayong araw ang Malasakit Center sa lalawigan ng Maguindanao.

Pangungunahan mismo ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go ang pagbubukas ng Malasakit Center sa Provincial Hospital sa Maguindanao kasama si Governor Bai Mariam Mangudadatu.

Ang centers ay nagsisilbi bilang one-stop-shop para sa easy access sa government medical financial assistance para sa mga nangangailangan na mga Filipino lalo na ang mga kapos-palad na mga pasyente sa Maguindanao.

Nakapaloob sa Malasakit Center’s ang mga ahensiya na katulad ng Department of Health (DoH), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Unang Senabi ni Sen Go na nabuo ang konsepto ng Malasakit Center program para mapaganda ang access ng Filipinos sa dekalidad at episiyenteng healthcare services mula sa gobyerno.

Aniya, madali lamang ang gagawin ng mga pasyente o ng kanilang mga kinatawan, kailangan lamang nila sagutan ang single form para nakakuha ng medical assistance.

Ang mga senior citizens at persons with disabilities (PWDs) ay may sarili ding express lane sa loob ng centers na nasa gusali lamang ng Ospital.

“Zero balance po ang target natin dito. May express lane din po para sa mga senior citizens at PWDs,” ani Go kasabay nang pagsasabi na lahat ng Filipino ay maaring makakuha ng ayuda mula rito.

Iginiit ng senador na basta Pilipino ay qualified na lumapit sa Malasakit Center dahil pera ng taong bayan ang ginamit dito.

Samantala, para masiguro na lahat ng government hospitals ay magkakaroon ng kanilang sariling Malasakit Centers, naghain si Go noong Hulyo ng Senate Bill (SB) No. 1076, mas kilala sa “Malasakit Center Act of 2019” na naglalayung ma-institutionalize ang pagtatatag ng Malasakit Centers sa lahat ng 73 hospitals na pinatatakbo ng DoH maging ng Maguindanao Provincial Hospital.

Inaprubahan ang panukala sa third and final reading sa Senado noong November 11 kung saan nakakuha ng affirmative votes, habang sa Kamara naman ito ay inaprubahan noong November 18.

Sa ilalim ng panukala, ang mga hospitals na pinatatakbo ng local government units (LGUs) habang ang iba pang public hospitals ay maaring maglagay ng kanilang sariling Malasakit Centers, basta’t masusunod nila ang standard para sa set of criteria and guarantee, may sapat na pondo para patakbuhin ang kani-kanilang centers, kabilang na ang maintenance, personnel at staff training at marami pang iba para masiguro ang sustainability and consistency ng mga serbisyo ng centers.

Nagpasalamat naman si Governor Bai Mariam Mangudadatu at napasama sa malasakit center ng gobyerno ang probinsya ng Maguindanao