-- Advertisements --

Matinding pagbaha na naman ang tumama sa Agusan del Sur dahil sa tuloy-tuloy na ulan.

Partikular na nalubog sa baha ang Brgy. Sabang Gibung, kung saan maraming residente ang napilitang lumikas.

Maraming kabahayan ang nalubog sa tubig, at mayroon ding mga nasira dahil sa agos.

Ilan sa mga pamilya ay napilitang makituloy muna sa mga kaanak na nasa mataas na lugar para sa kanilang kaligtasan.

Patuloy ang pagsisikap ng mga otoridad at mga volunteers upang maghatid ng tulong sa mga apektadong mamamayan.

Nilinaw naman ng state weather bureau na walang umiiral na bagyo sa loob ng Philippine area of responsibility (PAR).