Dinepensahan ni PNP chief Dir. Gen. Oscar Albayalde ang ipinatupad na malawakang balasahan sa pambansang pulisya epektibo, June 1, 2018.
Ang reshuffle ay batay sa naging rekomendasyon ng oversight committee na siya umanong nagrebyu sa mga performance ng mga ground commanders.
Inihayag ni Albayalde na may mga balasahan pang ipapatupad ang PNP sa mga darating na araw o buwan dahil patuloy ang ginagawang periodic review sa performance ng mga ground commanders.
Sa kabilang dako, paliwanag naman ni outgoing PNP spokesperson C/Supt. John Bulalacao na hindi personal na pinili ni PNP chief ang mga bagong ipinuwestong mga opisyal.
Ayon kay Bulalacao ang PNP Oversight Committee ang nag-evaluate ng mga qualifications ng mga opisyal at nag -esignate kung saan ang mga ito nararapat na italaga.
Dagdag pa ni Bulalacao, ang dahilan ng malawakang balasahan ay ang pagreretiro rin ng tatlong police director generals, tatlong police directors at ang regular reshuffle ng mga regional directors na tumagal sa pwesto ng dalawang taon.
Sa inilabas na memorandum ni Albayalde may petsang May 31, 2018 epektibo ang revamp, June 1.
Itinalaga ni Albayalde si C/Supt. Guillermo Eleazar bilang bagong regional director ng National Capital Region Police Office (NCRPO) kapalit ni Director Camilo Cascolan.
Si Cascolan naman ay itinalagang bagong director ng Civil Security Group (CSG).
Inilagay naman bilang bagong regional police director ng Region 6 si PNP spokesperson C/Supt. John Bulalacao kapalit ni C/Supt. Cesar Binag na itinalaga bilang bagong hepe ng DICTM.
Si C/Supt. Edward Esperat Caranza ay itinalaga bilang director ng Calabarzon habang si C/Supt. Rolando Nana ang OIC ng PRO Cordillera.
Itinalaga naman bilang Manila Police District director si C/Supt. Rolando Anduyan habang si C/Supt. Joel Coronel ay nahirang bilang deputy regional director for administration ng NCRPO.
Ang iba pang mga opisyal na itinalaga sa kanilang mga bagong pwesto:
PCSupt. Mariel Maniego Magaway- OIC, PRO8
PCSupt. Debold Sinas – OIC, PRO7
PCSupt. Ceasar Hawthorn Binag – AD, DICTM
PCSupt. Rolando Hinaynay – AD, CL
CSUPT. Lurimer Detran- AD, DRD
PCSupt. Roberto Fajardo – AD, HPG
PCSupt. Edmund Gonzales – AD, IG
CSupt. Rolando Anduyan – DD, MPD
CSupt. Joel Coronel – Deputy RD Admin, NCRPO
PCSupt Robert Quenery – Deputy DC
PCSupt Amador Corpus – Deputy DI
PSSupt. Allan Cuevillas – Deputy DPRM
PSSupt Cruz – Deputy DIPO Eastern Mindanao
PCSupt Rey Lyndon Lawas – Deputy DO
PCSupt. Wilben Mayor – Deputy DPCR
PSSupt. Celso PestaÑo – Deputy DICTM
PSSupt John Luglug – DDA, CIDG
PCSupt. Norberto Solomon EO, DICTM
PCSupt. Arnel Escobal, ARCDS, NCRPO
PSSupt. Madid Paitao – DRDA, ARMM
PSSupt. Jose Chiquito Malayo – Ex-O, Directorate for Human Resources and Development.
PSSupt. Rodolfo Azurin – EX-O, DPRM
PSSUPT Benigno Durana – AC, PIO