-- Advertisements --
Jakrta
Jakarta/ twitter image

Nakaranas ng malawakang kawalang ng suplay kuryente ang malaking bahagi ng Jakarta, Indonesia.

Nagsimula ito ng pasado 1:00 p.m. nitong Linggo at ginagawa ng mga otoridad ang paraan para makabalik ito sa normal.

Labis na nakaranas ng matinding trapiko sa lugar dahil sa kawalan ng kuryente ng mga traffic ligths.
Napilitan din ng bumaba ang mga pasahero ng train dahil sa insidente.

Umaabot sa 10 milyong katao ang naninirahan sa Jakarta at mahigit 20 million sa kapaligiran ng lungsod.