BAGUIO CITY – Magaganap sa mga susunod na araw ang malawakang COVID-19 treatment upang sugpuin ang dumadaming kaso ng sakit sa United Kingdom.
Sa eksklusibong panayam ng Star FM Baguio kay Malcolm Conlan, isang sikat na British social media personality, inihayag nito na magiging isang field hospital ang 70,000-seater na Excel Arena sa London at maglalagay ng 4,000 mga kama para sa mga magiging pasyente.
“Here in UK they’re building a “Field Hospital” in the Excel Centre which will open next week with 4,000 beds and it’s going to be staffed by NHS workers together with the military, doctors, and nurses as well. So hopefully this will help us in all our needs,” wika ni Conlan.
Dagdag pa nito, umaasa sila na sa ganitong paraan ay malalagpasan rin nila ang ganitong unos sa kanilang bansa at sa ibang panig ng mundo.
“And of course these are very difficult times. All we can do is just pray that we will get through this,” ani Conlan.
Sa pinakahuling tala, mayroong 11,788 na mga health professionals at 250,000 na mga volunteers ang magtutulong-tulong para sugpuin ang COVID-19 sa UK.