BAGUIO CITY – Napilitang lumisan ang mga residente sa apat na nayon sa Evia, isang isla sa Greece dahil sa malalaking wildfires.
Nagsimula umano ito sa isang sunog na nagbigay ng napakaraming pinsala dahil tinupok ng apoy ang ilang mga kakahuyan at ilang mga agricultural areas roon.
Sa una ay rumesponde ang 100 bumbero at unti-unting napigilan ang sunog, ngunit nang maglaon ay mas lalong lumala ang sitwasyon dahil sa matataas na lupain at mainit na temperatura.
Dahil rito ay dumagdag pa ang dalawang wildfires na kung saan ay kinailangang pigilan ito ng may kabuuang 255 na bombero, apat na water-bombing planes, tatlong helicopters, at 100 sasakyan kasama ang isang earth-moving machinery.
Inaresto ng mga pulis ang isang 64-anyos na lalaki sa hinala na sinunog niya umano ang mga pinatuyong damo sa kaniyang bahay na malapit din sa pinangyarihan ng insidente.
Ang mga wildfires ay karaniwan sa Greece sa panahon ng tag-init sa mga buwang ito.
Taong 2018 nang mamatay ang 101 katao sa isang paninirahan sa baybayin sa labas ng Athens dahil sa pagkasunog.