-- Advertisements --

DAGUPAN CITY — Nagsagawa ng malawakang inspeksyon ang PNP sa mga gaming outlet sa buong bansa kabilang ang lalawigan ng Pangasinan.

Ito ay matapos magbaba ng kautusan si pangulong Rodrigo Duterte na ipahinto ang gaming outlet sa bansa kahit pa may permit mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO dahil sa isyu ng corruption.

Kabilang sa ininspection ng Calasiao PNP ang small town lottery sa barangay Nalsian.

Bagamat kumpleto ang papeles ay tumigil na sila sa kanilang operasyon.

Binaklas din ng mga otoridad ang ibat ibang gamit sa STL collection stations maging ang karatula sa harapan ng mismong collecting stations.

Samantala, sarado na rin ang labing siyam na lotto outlets dito sa lungsod ng Dagupan kabilang ang mga nasa mall.

Samantala, magmomonitor pa rin ang pulisya sa mga autlet para matiyak na hindi sila magbabalik sa operasyon.