-- Advertisements --
Apektado ngayon ang maraming bilang ng mga transaksyon sa malalaking bansa dahil sa large-scale IT outage.
Kabilang sa mga tinamaan nito ang dambuhalang kompaniya worldwide.
Nagresulta ito sa grounding ng flights sa US, kung saan libu-libo ang hindi makabyahe at nakatengga sa mga paliparan.
Sa United Kingdom naman ay pumalya ang TV broadcast at iba pang operasyon.
Habang sa telecommunications naman ang apektado sa Australia.
Dahil dito, hindi makapagpatuloy ng transaksyon ang maraming negosyo at customers nila.
Iniimbestigahan na ng mga eksperto ang naturang pangyayari.
Sa Pilipinas, naapektuhan din ang ilang flights na gumagamit ng kaparehong software na nagkaaberya sa ibang mga bansa.