-- Advertisements --

Muling magkakasa sa Martes ng panibagong kilos-protesta ang grupong manibela hinggil pa rin sa PUV modernization program.

Patuloy ang panawagan ng grupo kay pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbalik sa mga na-revoke na mga prangkisa ng ilang PUV drivers at operators.

Ayon kay Mar Valbuena Presidente wala umanong kahandaan ang pamahalaan sa PUV modernization program.

Aniya, aabot sa higit tatlumpung libo ang mga hindi nakapag-consolute sa National Capital Region.

Hiling ni Valbuena na ibasura ang programa dahil sa walang kahandaan, kulang sa pag-aaral at sapilitan pa umano ang pagpapasok dito.

Ang deadline para sa pagpaparehistro para sa franchise consolidation sa ilalim ng PUV modernization program ay natapos noong December 31 2023.

Ang ilan sa mga nabigong mag-consolidate ay papayagang mamasada sa kanilang mga ruta hanggang Enero 31.

Ang mga unconsolidated PUVs ay ituturing na colorum simula Peb. 1 ng kasaluyang taon.

Matatandaang nagkasa ng labing dalawang araw na tigil pasada ang grupong Manibela nitong ika-labing walo hanggang ika dalawampu’t siyam ng Disyembre ng nakaraang taon.