Sumiklab ang malawakang kilos-protesta sa major cities ng China dahil sa zero tolerance approach ni Chinese President Xi Jinping para matugunan ang covid-19 pandemic.
Ito ay pambihira lamang mangyari na magpahayag ng pagtutol ang mamamayan ng China.
Isinagawa ang malawakang demonstrasyon sa malalaking kabisera ng China na Beijing, Shanghai, sa eastern city ng Nanjng at Wuhan na sinasabing pinagmulan ng covid-19 pandemic.
Nananawagan din ang mga nagpoprotesta na pagbibitiw sa pwesto ni President Jinping.
Ikinagagalit kasi ng mamamayan ang pagpapatupad ng zero covid-19 approach ng Xi kabilang ang mass testing, quarantines at snap lockdowns.
Nagpatindi pa sa galit ng mamamayan sa gobyerno ng China ang nangyaring sunog sa north-western city ng Urumqi kung saan nasa 10 katao ang namatay at isinisi sa lockdown rules na pinaiiral ng gobyerno na naging balakid sa rescue efforts na itinanggi naman ng mga awtoridad.