Sumiklab ang malawakang kilos protesta sa iba’t-ibang bahagi ng Israel.
Ito ay matapos na madiskubre ng Israeli military ang bangkay ng anim na bihag na pinaslang ng Hamas sa Gaza.
Sa nasabing mga bangkay ay tatlo sa mga dito ang inaasahang papakawalan na sa ceasefire deal.
Pinuno ng mga protesters ang mga kalsada ng Tel Aviv, Jerusalem, Haifa, Ra’anana, Be’er Sheva, Kfar Saba, Kiryat Bialik, Afula, Ness Ziona, Binyamina at iba’t-ibang intersections at mga tulay.
Nanawagan ang mga ito kay Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na pumayag na sa ceasefre at hostage deal sa Hamas.
Tinatayang nasa 300,000 na mga protesters ang nagsagawa ng mga kilos protesta.
Maging sa Jerusalem ay nagsagawa ng kilos protesta kung saan pawang mga kaanak ng mga Israeli hostages.
Magugunitang natagpuan ang bangkay ng mga biktimang bihag ng Hamas na kinilalang sina: Hersh Goldberg-Polin, Eden Yerushalmi , Carmel Gat,Ori Danino, Almog Sarusi at Alex Lobanov.