Magpapatuloy pa rin ang mabibigat na pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa hanggang sa bisperas ng Bagong Taon, Dec. 31.
Batay sa pagtaya ng state weather bureau, patuloy na makaka-apekto sa malaking bahagi ng bansa ang Shear Line, Intertropical Convergence Zone, at hanging Amihan na magdudulot ng malawakang pag-ulan.
Bukas, Dec. 29, asahan ang heavy to intense rainfall (100-200 mm) sa mga probinsya ng Cagayan, Apayao, Isabela, at Palawan.
Moderate to heavy rainfall (50-100 mm) naman ang mararanasan sa mga probinsya ng Kalinga, ilang bahagi ng Isabela, Negros Occidental, Negros Oriental, Siquijor, Eastern Samar, Leyte, Southern Leyte, Dinagat Islands, Surigao del Norte, Misamis Occidental, Zamboanga del Norte, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi
Bukas ng hapon hanggang Lunes (December 30), asahan muli ang heavy to intense (100-200 mm) sa mga probinsya ng Cagayan, at Isabela.
Moderate to Heavy rainfall (50-100 mm) naman ang posibleng maranasan sa mga probinsya ng Apayao, Kalinga, Quirino, Aurora, Quezon, Camarines Norte, Oriental Mindoro, Marinduque, Palawan, Eastern Samar, Leyte, Southern Leyte, Dinagat Islands, Surigao del Norte, at Zamboanga del Norte
Pagsapit ng bisperas ng Bagong Taon (Dec. 31), posibleng muling makakaranas ng moderate to heavy rainfall (50-100 mm) ang mga probinsiya ng Cagayan at Isabela.
Ayon sa weather bureau, posibleng mas mabibigat pa na pag-ulan ang mararanasan sa mga mabundok o matataas na lugar.
Dahil dito, pinag-iingat muli ang publiko, lalo na ang mga bibiyahe pauwi sa mga probinsya para doon ipagdiwang ang Bagong taon.