ILANG LUGAR SA CEBU MULING NAKARANAS NG PAGBAHA ,12 BARANGAY MINIMONITOR, PRE-EMPTIVE EVACUATION INIUTOS
Unread post by bombocebu » Thu Jul 07, 2022 5:42 am
CEBU – Nagmistulang maduming ilog ang mga lansangan ng Cebu City, Talisay at Mandaue noong Miyerkules ng hapon dahil maraming urban barangay ang nakaranas ng matinding pagbaha.
Ito ay halos kaparehong sitwasyon ito noong Martes, Hunyo 5, 2022, kung saan nagresulta nang ang matinding pagbaha ang malakas na pag-ulan.
Makikitang masayang lumalangoy ang mga bata sa maputik na tubig sa Barangay Mambaling habang umabot sa baywang ang tubig baha.
Habang sa Barangay Tisa, mistulang fountain ang naging kinalabasan kung saan makikita ang pag-apaw ng tubig mula sa mga kanal.
Umabot naman sa 12 barangay sa Cebu City ang minomonitor ng Cebu City Disaster Risk Reduction and Management Office dahil sa matinding pagbaha.
Habang sa Talisay City, ang national highway sa kahabaan ng Bulacao hanggang Tabunok, Talisay City ay nagmistulang ilog dahil sa malawakang pagbaha.
Katulad na sitwasyon ang naranasan ng mga motorista sa Barangay Subangdako at Tipolo sa Mandaue City na ikinabahala ng mga motorista at napilitang maghanap ng ibang ruta.
Maliban dito, may iba pang lugar na nakapagtala ng landslide tulad ng Barangay Kalunasan at Barangay Guadalupe sa Cebu City.
Dahil dito, nagbigay si Cebu City Mayor Michael Rama para sa malawakang pagbaha at ini-utos ang pre-emptive evacuation.