LA UNION – Patuloy ang paglikas sa ilang mga residente sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ng La Union dahil sa malawakang pagbaha na dulot ng malakas na buhos ng ulan.
Dakong alas-5:30 kaninang hapon nagsimula ang pagbuhos ng malakas na ulan at humupa lang ito pasado alas-8:00 ng gabi o tumagal ng halos mahigit dalawang oras.
Binaha ang kahabaan ng national highway kaya maraming motorista ang stranded sa daan at may mga sasakyan din na tumirik dahil sa taas ng tubig-baha lalo na sa lungsod ng San Fernando.
Samantala, naglilibot na rin ang mga kawani ng Disaster Risk Reduction and Management Council upang alamin ang kalagayan ng mga kabayan na apektado ng malakas ma pag-ulan.
Nakakaranas man ngayon ng mahinang pag-ulan ng lalawigan ngunit hindi pa rin humuhupa ang baha.