Ikinasawi ng siyam katao ang nangyaring malawakang pagbaha sa Thailand kung saan 553,921 na kabahayan ang naapektuhan habang 13,000 katao naman ang sapilitang inilikas.
Ayon sa mga awtoridad walo na probinsya ang apektado ng naturang malawakang pagbaha kung saan inutusan na ang iba’t-ibang ahensya doon para sa agarang tulong na kinakailangan ng mga residenteng naapektuhan ng naturang mga pagbaha.
Samantala, dalawang hospital naman malapit sa probinsya ng Pattani ang sinuspinde ang operasyon dahil sa paghahanda nito sa baha upang maiwasan daw masira ang kanilang mga medical facilities.
Ayon sa Meteorological Department ng Thailand, ang nararanasang habagat sa bansa ay dahil bunsod ng climate change at inaabisuhan rin ang mga residente sa lugar na panatiliing naka handa sa magiging epekto ng malalakas pang pagulan na magtatagal aniya sa susunod na linggo.
Inatasan naman ni Thai Prime Minister Paetongtarn Shinawatra ang mga awtoridad nito sa agarang aksyon at pagtulong para sa lahat ng mga naapektuhan ng malawakang pagbaha.