-- Advertisements --
Pinapalikas ang halos dalawang milyong residente sa ilang bahagi ng Japan dahil sa pananalasa ng matinding pag-ulan.
Nakaranas kasi ng matinding pag-ulan ang bahagi ng Fukuokoa at Hiroshima.
Isang babae ang nasawi habang nawawala ang kaniyang asawa at anak nitong babae dahil sa landslide na ikinasawi rin ng dalawang bahay sa Nagasaki.
Mahigit 150 na sundalo na rin ang tumulong para sa rescue operations sa nasabing lugar.
Itinuturing ni Japanese meteorological agency Yushi Adachi na naging kakaiba at hindi inaasahan ang nasabing pangyayari.