Niluluto na ang plano ng bansang Peru sa pagpapa deport ng halos 50 Venezuelan migrants dahil sa paglilihim umano ng mga ito ng kanilang criminal records.
Ito na raw marahil ang pinakamalaking pagpapaalis ng Peru sa mga migrante simula noong lumipat ang daan-daang Venezuelan nationals sa kanilang bansa noong nakaraang taon upang makaligtas mula sa unti-unting paghirap ng ekonomiya sa Venezuela simula noong maupo umano si Venezuelan President Nicolas Maduro sa kanyang pwesto.
Ang planong deportation ay kasunod ng naglabasang balita patungkol sa mga Venezuelan nationals na sangkot sa criminal rackets kabilang na di-umano’y kidnap for ransom gang na una na nag-anunsyo na umano ng kanilang pagkakawatak-watak.
Ayon sa interior ministry, pansamantalang ikinulong ang mga ito sa iba’t ibang distrito ng bansa noong Lunes bago ilipad pabalik ng Venezuela.
Inakusahan ng ministry ang mga migrante dahil sa di-umano’y pagbibigay nila ng maling deklarasyon sa kanilang residency application at sinabing wala silang criminal record.
Paglabag umano ito sa migration law ng Peru na may karampatang parusa na deportation.
Pinagkalooban ng Peru ng special residency permit ang halos 330,000 na Venezuelans, kung saan pinahihitulutan silang makapag trabaho at tumanggap ng serbisyong medikal at edukasyon. 160,000 applications naman ang ipinoproseso pa hanggang ngayon.