CENTRAL MINDANAO-Magsasagawa ng exclusive walk-in vaccination ang City Government ng Kidapawan para sa mga bata edad 12-17 o Pediatric Group ngayong araw ng Lunes, Nobyembre 15, 2021 sa apat na vaccination hubs ng lungsod.
Mula 8am-1pm ang schedule ng pagbabakuna ng mga bata na gaganapin sa City Health Office, Kidapawan Doctors Hospital Incorporated, Notre Dame of Kidapawan College IBED at college campus.
Kaugnay nito, ipinapaalam sa mga magulang o mga guardian ng mga bata na hanggang ala-una lamang ng hapon ang cut-off sa vaccination roll out.
Pinapayuhan din ang mga magulang at guardian na yung mga bata na may co-morbidities ay sa CHO at KDHI magpabakuna samantalang ang NDKC College at IBED ay open sa mga batang walang karamdaman o walang comorbidity.
First dose ang ibibigay na bakuna para sa pediatric group sa November 15, 2021.
Dapat pa ring magpakita ng valid ID o CCTS Card at birth certificate ng bata ang kanilang mga magulang.
Kung walang birth certificate, pwedeng baptismal certificate ang dalhin ayon sa CHO..
Kailangan din ang authorization letter ng magulang kung guardian ang kasama ng bata sa vaccination hub.
Kaugnay nito ay ipapalabas na rin ng City Government ang schedule ng vaccination roll out para sa iba pang mga bata na nais magpabakuna sa susunod na mga araw.