-- Advertisements --

Nagbabala ang World Health Organization (WHO) ukol sa malaking mga problema sa mga serbisyong pangkalusugan sa 70% ng mga bansang sinuri, dulot ng biglaang pagbawas sa official development assistance (ODA) para sa kalusugan.

Ayon sa pagsusuri ng WHO, ang epekto nito ay maaaring magdulot ng mas malalim at matagalang pinsala lalo na sa mga bansang may kahinaan at kakulangan.

Bilang tugon, maraming bansa ang nag-a-adjust ng budget sa mga internal funds o alternatibong tulong, ngunit 24% ng mga bansang sinuri ang nagsabing ang epekto nito ay mas mataas na gastusin para sa mamamayan.

Ang mga mahihirap at vulnerable ay nakararanas ng mas malalang epekto sa pangyayari.

Ayon kay Dr. Tedros Adhanom Ghebreyesus, director general WHO, ang biglaang pagbabawas ng tulong ay isang hamon ngunit nagiging oportunidad din ito para sa mas masusing financial independence.

Gumagawa na ang WHO ng mga hakbang upang matulungan ang mga bansa sa pagharap sa crisis.

Nangangailangan ang mga ito ng agarang suporta upang maiwasan ang paglala ng epekto sa kalusugan ng tao, kaya’t patuloy na binabantayan ng WHO ang sitwasyon at nagbabalak ng worldwide actions.