-- Advertisements --
Nagbabala ang United Nations (UN) na makakaranas ng malawakang tag-gutom dahil sa nararanasang coronavirus pandemic.
Sinabi ni David Beasley, namumuno ng World Food Programme (WFP) na dapat agarang gumawa ng hakbang ang mga bansa para malabanan ang tag-gutom.
Sinasabing hindi bababa sa 250 million ang mamamatay dahil sa gutom na halos mas doble ito sa dating 135 million.
Base sa Global Report on Food Crises na lubhang matatamaan ng tag-gutom ang Yemen, Democratic Republic of Congo, Afghanistan, Venezuela, Ethiopia, South Sudan, Sudan, Syria, Nigeria at Haiti.