-- Advertisements --

Muling magkakasa ng nationwide tigil pasada ang grupong PISTON simula sa December 14-15 bilang protesta ng grupo sa Land Transportation Franchising and Regulatory sa mandatory franchise consolidation deadline ng mga PUV drivers at operators na nakatakda sa December 31.

Muli nilang dinedemanda sa LTFRB, DOTR, at rehimeng Marcos Jr. ang pagbasura sa mandatory consolidation at kabuuang bogus na PUV Modernization Program.

Ayon kay Ka Mody Floranda Pangulo ng PISTON, isang malaking transport crisis ang kahahatnan ng bansa kung tuluyang alisin ang traditional jeepneys.

Tinatayang 80% ng mga operator ang tatanggalan ng prangkisa at maraming mga drayber ang mawawalan ng kabuhayan dahil sa panghihimasok ng mga malalaking korporasyon.

Giit nila, kung hindi sinsero ang pagdinggin ng gobyerno sa mga panawagan, tuloy-tuloy din ang mga protesta at ang kanilang tigil-pasada.

Sa pangunguna ng PISTON, inaasahan umanong maparalisa ang mga mayor na ruta sa Metro Manila at mga probinsya sa panahon ng Christmas rush.