Hindi na tatakbo si dating Sen. Heherson Alvarez bilang kinatawan ng fourth legislative district ng Isabela para sa 18th Congress.
Mayo 11, dalawang araw bago ang scheduled national at local midterm elections, nang binawi ni Alvarez ang kanyang kandidatura.
Sa isang statement, tinukoy ni Alvarez ang “massive and overwhelming” vote buying ang siyang dahilan kung bakit siya umatras sa congressional race sa kanilang lugar.
“I cannot continue to participate in this political exercise that violates our precious political freedom of choice of leaders,” ani Alvarez.
“This political abuse of our cherished freedom is now of wide public knowledge. We must renounce it, denounce it and withdraw our tolerance or our democracy will wither away,” dagdag pa nito.
Sa kabila nito, nagpasalamat ang dating senador kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa pag-endorso sa kanya bilang standard bearer ng PDP-Laban sa 4th District ng ISabela.