-- Advertisements --

KALIBO, Aklan — Positibo ang Malay Tourism Office (MTO) na malalampasan ang kanilang target na 1.8-milyon tourist arrival ngayong 2023.

Ayon kay MTO head Felix delos Santos, ang bilang ng mga turista sa Isla ng Boracay ay tumaas ng halos 50 porsiyento sa unang anim na buwan ng taon kumpara noong 2022.

Simula Enero hanggang Hunyo ng kasalukuyang taon, umabot na sa mahigit sa 998,000 ang bilang ng mga turista.

Dagdag pa ni delos Santos na dahil unti-unti nang bumabalik ang dating sigla ng turismo sa isla mula sa naging epekto ng COVID-19 pandemic, kumpiyansa silang umabot pa ng hanggang dalawang milyon ang tourist arrivals ngayong 2023.

Bumuhos ang maraming bisita sa isla noong buwan ng Abril at Mayo na umabot sa 421,248 o 45 porsiyentong mas mataas kumpara noong nakaraang taon.

Inaasahang lalo pang dodoble ang bilang ng mga dayuhang turista mula mainland China, South Korea at Taiwan sa muling pagbubukas ng regional flights mula Incheon, South Korea, Taipei, Taiwan at Changsha, China.

Nakatala ang Boracay ng tourist arrivals noong 2022 ng 1,751,853.