-- Advertisements --
CAGAYAN DE ORO CITY-Isinailim sa temporary lockdown ang Malaybalay City Fire Station sa probinsya ng Bukidnon matapos makumpirmang nagpositibo sa COVID-19 ang isa sa kanilang kasama.
Sinabi ni Malaybalay City Fire Marshal Inspector John Rey-an Donasco na nahawa ang kanilang personahe sa asawa nitong guro na unang tinamaan sa coronavirus.
Aniya naka-isolate na rin ang 17 pa nilang kasama na may close contact sa biktima.
Inamin ni Donasco na apektado ang kanilang serbisyo ngunit may mga fire sub-station naman silang handang umalalay sa kanilang pagkukulang.