Nagpasa ng ordinansa ang Malaybalay City, Bukidnon upang ipatupad ang tamang paggamit ng Bamboo bilang poste, dekorasyon, at materyales sa konstruksyon upang maiwasan ang dengue.
Ayon sa City Council, maaaring maipon ang tubig-ulan sa diaphragm ng kawayan at magsilbing pugad ng lamok na nagdadala ng dengue.
Inatasan ang mga opisyal ng barangay na suriin ang mga kabahayan at establisyemento na gumagamit ng kawayan at turuan sila ng wastong paggamit nito. Dapat butasan o putulin sa tamang bahagi ang kawayan upang hindi makaipon ng tubig.
Ang mga lalabag ay pagmumultahin ng P500 o isang araw na community service sa unang paglabag, P1,000 o tatlong araw sa ikalawa, at P2,000 o limang araw kasama ang demolisyon ng istruktura sa ikatlo. Maaari ring makansela ang lisensya ng negosyo.
Ayon sa pamahalaang lungsod, bahagi ito ng kampanya kontra dengue.