-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Nagpulong ang mga Malaysian diplomats at mga opisyal ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) hinggil sa kalakalan sa lokal na negosyo sa komunidad.

Ang pagpupulong sa pagitan ng mga kasapi ng Malaysian diplomatic corps at Chief Minister Hadji Ahod Ebrahim ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ay ginanap sa kapitolyo ng BARMM sa Cotabato City.

Ito ay inorganisa ng mga opisyal ng Regional Board of Investments-BARMM, kasama sina Executive Director Hexsan Mabang, Mohammad Pasigan at mga miyembro ng board of governors ng RBOI.

Dumalo rin sa pagpupulong sina Rizany Irwan Muhamad Mazlan, charge d’affaires of the Malaysian embassy.

Sinamahan naman ni Wencilito Tan Andanar ,Malacañang’s special envoy to Malaysia si Mazlan sa pagpunta sa Cotabato City.

Umaasa si Murad na magtagumpay ang ugnayan sa negosyo ng bansang Malaysia at BARMM.