-- Advertisements --
Malaysia waste
Malaysia

Desidido ang Malaysia na ibalik ang 450 toneladang contaminadong plastic waste sa mga bansa kung saan ito nagmula.

Ayon kay Yeo Bee Yin, minister of energy, science, technology, environment and climate change nadiskubre nila ang siyam na shipping containers sa Port Klang sa west Kual Lumpur.

Ang mga ito ay mislabeled plastic at non-recyclable waster gaya ng mga pinaghalong household at electronic waste.

Nagmula ang mga ito sa US, United Kingdom, Australia, Japan, China, Saudi Arabia, Bangladesh, the Netherlands at Singapore.

Nauna ng ibinalik ang limang containers sa Spain noong nakaraang buwan.

Noong Abril 24 ay inilunsad ng Malaysia ang joint task force na magsasawata sa mga lumalaking problema ng mga illegal plastic waste imports.