-- Advertisements --

Nakatakdang luwagan na ng Malaysia ang COVID-19 restrictions sa mga fully vaccinated na mamamayan nito sa walong estado.

Ito ay kapag masunod nila ang ilang criteria gaya ng pagbaba ng kaso at ang pagkakaroon ng ma
taas na vaccination rates.

Sinabi ni Prime Minister Muhyiddin Yassin na ang hakbang ay pagpayag sa mga pagkain sa mga restaurant, pagsagawa ng mag outdoor individual sports at interstate tourism na magiging epektibo sa Agosto 10.

Mula Hunyo 1 ay nasa ilalim ng lockdown ang Malaysia dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Hindi naman kabilang dito ang Kuala Lumpur at mga katabing lugar dahil sa mataas pa rin ang kaso ng COVID-19.

Papayagan din ng gobyerno ang mga fully vaccinated na mamamayan at mga dayuhan na sa bahay na nila mag-quarantine kapag sila ay makauwi na sa kanilang bahay.

Sa kasalukuyan kasi ay pinapabilis ng Malaysian government ang kanilang pagpapabakuna kung saan mayroong 66.4 percent na mga adult population ang nabakunahan na.