-- Advertisements --
KUALA LUMPUR – Pinoproseso na rin ng Malaysia ang pagpapabalik ng mga basurang naipasok sa kanila ng iba malalaking bansa.
Ayon Invironmental Minister Yeo Bee Yin, nasa 450 tonelada ang kanilang ibabalik sa mga susunod na araw sa mga pinanggalingan nito.
Sinasabing nagmula ang mga container vans sa Estados Unidos, Australia at Saudi Arabia.
Habang ang China ay una na raw na binawi ang ilang tonelada ng basura.
Nagbanta naman si Yin na walang konsiderasyon ang kanilang bansa sa ganitong isyu kaya agad ipadadala pabalik ang anumang “waste materials” na makakarating sa kanilang pantalan.
Una na ring umalma ang Pilipinas sa mga basurang natanggap mula sa Canada, Australia, South Korea at Hong Kong. (AFP)