-- Advertisements --

Inanunsiyo ni Malaysian Prime Minister Muhyiddin Yassin ang total lockdown sa buong bansa simula sa buwan ng Hunyo.

Kasunod ito sa muling pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Magsisimula aniya ang nasabing mas striktong lockdown mula Hunyo 1 hanggang Hunyo 14.

Tanging mga social at economic sectors at mga essential services ang magiging operational.

Sinabi pa Malaysian Prime Minister na dahil sa pagdami ng mga kaso ay napupuno na rin ang mga pagamutan.

Nitong araw ng Biyernes ay nagtala ang nasabing bansa mahigit 8,200 na kaso ng COVID-19 na siyang pinakamataas na naitala.