-- Advertisements --
KUALA LUMPUR – Mabigat na aksyon umano ang aasahan ng Canada sa magiging tugon ng Malaysia sa ipinadalang daan-daang tonelada ng basura.
Ayon kay Environmental Minister Yeo Bee Yin, susundan nila ang ginawa ng Pilipinas sa pagbabalik ng container vans ng toxic waste na naka-schedule ngayong araw.
Pero baka raw maging mas matindi ang kanilang buwelta kumpara sa Pilipinas dahil hindi lang nila ito balak isauli kundi may mga plano silang kasuhan hinggil sa pangyayari.
Ang iba pang container vans ng mga basura sa Malaysia ay natuklasang galing sa Estados Unidos, China, Japan at Saudi Arabia.
Giit ni Minister Yin, hindi sila papayag na tumagal ang problemang ito dahil maikli ang kanilang pasesya sa mapang-insultong shipment ng basura.