-- Advertisements --

Nagpatupad ng paghihigpit bansang Malaysia dahil sa panibagong pagtaas ng kaso ng COVID-19 at ang nalalapit na Eid al-Fitr holiday.

Sinabi ni Malaysia Prime Minister Muhyiddin Yassin na ang nasabing hakbang ay para malimitahan ang anumang gagawing pagtitipon dahil sa nasabing holiday.

Kabilang ilalagay sa partial lockdown ay ang Kuala Lumpur.

Noong nakarang buwan ay nakontrol na at napababa ang mga kaso subalit biglang tumaas muli ito ng buksan ang mga paaralan at mga palengke.

Mananatili ang restrictions hanggang Hunyo 7.