-- Advertisements --

Nasa siyam na mga bansa ang pinagbawalan muna ng Malaysia ang kanilang mamamayan na makapasok sa kanila.

Ang nasabing hakbang ay para tuluyang masawata raw ang pagdami ng kaso ng COVID-19.

Magsisimula ito sa Setyembre 7 kung saan bawal ng pumasok sa Malaysia ang mga mamamayan ng Brazil, France, italy, Spain, Saudi Arabia, Russia, Bangladesh, India, Indonesia, Pilipinas, US, Britain at France.

Sinabi senior minister Ismail Sabri Yaakob, na lumalabas na ang dahilang ng pagtaas ng kaso ng coronavirus ay mula sa mga returnees at mga undocumented migrants.

Mayroon kasing mahigit 9,300 na ang kaso ng COVID-19 sa Malaysia kung saan 128 na ang nasawi.