Nakapagtala na rin ang Malaysia ng unang kaso ng mpox clade II variant ngayong taon.
Ang positibong pasyente ay isang lalaking may travel history ilang linggo bago makaramdam ng sintomas ng mpox.
Noong Setyembre-11, nagsimulang makaramdam ng mga sintomas ang naturang pasyente tulad ng lagnat, pananakit ng lalamunan, pag-ubo, at pananakit ng kalamnan. Agad siyang dinala sa ospital sa sumunod na araw matapos siyang makitaan na ng mga pantal.
Ito ang unang kaso ng mpox clade II variant ngayong taon sa Malaysia.
Gayunpaman, noong nakalipas na taon ay mayroon nang isang na pasyenteng nakumpirma/nagpositibo sa naturang sakit.
Agosto 14 noong idineklara ng World Health Organization (WHO) ang mpox bilang public health emergency of international concern matapos matuklasan ang mabilisang pagkalat ng sakit.
Bagaman una itong kumalat sa mga African countries, maraming mga teritoryo na ang nakapagtala nito tulad ng mga European at Southeast Asian nations.