-- Advertisements --
Pinabalik na ng Malaysia ang 150 shipping containers ng mga basura mula sa United Kingdom, United States, France at Canada.
Sinabi ni Malaysian environment minister Yeo Bee Yin, aabot sa 3, 737 metric tons ang kabuuang basura na ibinalik sa 13 bansa.
Sa nasabing 150 containers, 43 ang ibabalik sa France, 42 sa UK habang mayroong 17 sa US at 11 naman sa Canada.
Ipinagigiitan nito na hindi basurahan ang kanilang bansa.
Mula pa noong 2018 ng itapon sa nasabing bansa ang mga basura.