-- Advertisements --

Pinalawig pa ng Malaysia ang kanilang lockdown restrictions dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus.

Ayon kay Security minister Ismail Sabri Yaakob, na kabilang ang capital na Kuala Lumpur at ang anim na estado ng bansa sa ilalagay sa dalawang linggong lockdown na magsisimula sa Enero 22.

Papayagan lamang ang mga essential sectors gaya ng mga manufacturing, plantations at constructions na magbukas.

Sinabi ni Prime Minister Muhyiddin Yassin na ang nasabing hakbang ay dahil sa nanganganib na ang kalagayan ng kalusugan ng marami sa kanila.

Pumapalo na sa 165,371 ang kaso ng COVID-19 sa bansa na mayroong 619 na ang nasawi.