-- Advertisements --

Ikinasal na si Malaysian actress Michelle Yeoh at fiance nito na si Jean Todt.

Sa social media account ng actress ay ibinahagi nito ang magandang balita.

Ang kanilang pag-iisang dibdib ay naganap matapos ang 19 taon na sila ay nagsasama.

Ginanap ang kasal ng dalawa sa Geneva, Switzerland kung saan dinaluhan ito ng mga kaanak at mga malalapit na kaibigan.

Unang nakilala ng 77-anyos na si Todt ang 60-anyos na actress sa China noong Hunyo 24, 2004.

Matapos ang mahigit isang buwan ay agad na nagproposed ng kasal ang French Formula One legend at motor racing executive.