-- Advertisements --

Nagkumahog ang Malaysia apra maharang ang nasa 16 na military aircraft ng China na nagtungo sa sinasakupan nilang bahagi ng West Philippine Sea.

Naganap ang insidente sa bahagi ng Borneo island ang lugar na pinag-aagawan ng China at Malaysia.

Ayon sa Malaysian airforce na nakalapit sa Malaysian airspace ang mga Chinese air force transport planes.

Nagsagawa pa ito ng “tactical formation” at lumipad ng 60 nautical miles sa karagatan.

Nakita sila ng radar kung saan makailang beses nila itong kinontak subalit hindi sila sumagot.

Umalis lamang ang mga ito ng nilapitan na sila ng mga Malaysian fighter jets.

Isinalarawan pa ng Malaysian air-force ang presensiya ng mga Chinese planes na nakakabahala.

Magugunitang pinag-aagawan ng ilang bansa gaya ng Brunei, Vietnam, Pilipinas at Taiwan ang nasabing lugar.