-- Advertisements --

Kinumpirma ng Malaysian authorities na dumating sa kanilang bansa ang isang Alice Leal Guo gamit ang kaniyang Philippine passport noong Hulyo 18.

Ito ang ibinunyag ni Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) spokesperson Winston Casio matapos niyang makausap ang Malaysian authority nitong gabi ng Lunes.

Bagamat hindi aniya makapagbigay ng mga larawan at CCTV footage ang Malaysian authorities na magpapatunay ng pagpasok ni Guo sa naturang bansa.

Batay sa immigration records ng counterpart ng Pilipinas, dumating si Guo sa Kuala Lumpur mula Denpasar, Indonesia, sakay ng Batik Air 177 noong July 18.

Makalipas ang 3 araw noong July 21, dumating si Guo sa Singapore na bumiyahe sa pamamagitan ng Jetstar Asia 686.

Pinakahuli ay sa Batham, Indonesia, kung saan dumating umano si Guo sakay ng ferry boat noong Linggo lang, Agosto 18.

Samantala, itinanggi naman ng isa sa abogado ni Guo na si Atty. Stephen David na nakalabas na ng PH ang kaniyang kliyente.

Ito ang kinumpirma niya mismo sa dating alkalde ng Bamban ng kaniyang tinawagan ito matapos ngang ibunyag ni Senator Risa Hontiveros na nasa labas na ng bansa si Guo.