-- Advertisements --

Humingi na ng paumanhin ang Malaysian beauty queen na si Samantha Katie James dahil sa ‘racist’ comments nito sa nangyaring malawakang kilos protesta sa US dahil sa pagkasawi ng black American na si George Floyd sa kamay ng mga kapulisan ng Minneapolis.

https://www.instagram.com/p/CA78MKlAoXu/
Samantha Katie James / IG post

Sa kaniyang Instagram post, sinabi nito na hindi niya sinasadya na maging negatibo ang reaksyon nito at dapat lamang aniya ang malalim na pag-unawa sa pahayag nito.

Nauna rito umani ng galit at pagkondina ang naging pahayag nito na dapat ay maging kalmado ang mga maiitim na tao at ituring na isang hamon para maging malakas sila at may dahilan kaya sila ipinanganak sa America.

Maging ang “Crazy Rich Asians” actor Henry Golding ay kinondina ang nasabing pahayag ng beauty queen.

Mahigit 80,000 katao na rin ang pumirma ng online petition na nananwagan sa 25-anyos na beauty queen na matanggalan ng titulo ng Miss Universe Malaysia na kaniyang nakamit noong 2017.