-- Advertisements --

Natagpuang patay sa kuwarto ng isang hotel ang 28-anyos na Malaysian golfer na si Arie Irawan habang ito ay nasa China.

Ayon sa roommate nitong si Kevin Techakanokboon, naghahanda na ito para sa final round ng Sanya

Championship ng mapansin niyang hindi na gumagalaw si Irawan.

Dumating pa ang mga local emergency services pero hindi na nila ito naagapan.

Lumalabas na mayron ng diramdam na sakit si Irawan.

Dahil sa kamatayan nito ay kinansela na ang final round at iginawad ang panalo kay Trevor Sluman.

Naging professional gulf player si Irawan noong 2013 matapos ang apat na taong paglalaro sa University of Tulsa kung saan nagkaroon ito ng degree in management information systems.