Hinihimok ng ilang mambabatas ang Department of Foreign Affairs and Department of Migrant Workers na tulungan ang mga Pilipinong nasa death row matapos ibasura ng Malaysian government ang mandatory death penalty depende sa kasong kinakaharap at binibigyan nito ng kapangyarihan ang hukoman ng kalayaang magpasya kung ito ba ay ipapataw.
“I urge the DFA and the DMW to immediately provide all the needed legal assistance for overseas Filipinos on death row in Malaysia for a review of their sentences,” ayon kay Rep. Salo.
Sinabi pa ni Kabayan Representative Ron Salo, ang aksyon na ito ay isang progresibo at makataong desisyon na lubos na makakabenepisyo sa mga Pilipinong nasa death row doon sa Malaysia.
“This is certainly a welcome development, especially for our kababayans on death row in Malaysia who may have a justifiably legal cause to receive a much lesser penalty,” dagdag pa ni Rep. Salo.
Magkakaroon umano ng pagkakataon na mareconsider ang mga kaso ng mga Pilipino doon.
Itong bagong batas raw ay napapanahon bilang pakiki-isa na rin sa selebrasyon ng Ramadan, ang panahon ng pagdadamayan at pagpapatawad.
Kung matatandaan, nasa 83 na Pilipino sa ibang bansa ang nasentensyahan ng parusang kamatayan at 56 doon ay sa Malaysia.