-- Advertisements --
Nagbabala si Malaysian Prime Minister Mahathir Mohamad na may negatibong epekto sa politika sa bansa ang pagdami ng mga dayuhang nagtatrabaho sa bansa.
Sinabi ni Mahatir na ang mga foreign direct investment ay hindi dapat sasabayan ng mga dayuhan na maninirahan at magtatrabaho sa bansa.
Nauna rito umabot sa mahigit 200,000 mga Chinese ang nasa bansa mula ng maupo sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte na inirereklamo ng karamihan dahil sa naagawan sila ng trabaho.