-- Advertisements --
Nagpasya si Malaysian Prime Minister Muhyiddin Yassin, na mag-quarantine ng 14 na araw matapos na isa sa kaniyang minister ay nagpositibo sa coronavirus.
Ayon sa 73-anyos na premier na makailang beses na ito ng nakipagpulong kay Zulkifli Mohamad Al-Bakri para pag-usapan ang patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus sa kanilang bansa.
Matapos ang dalawang araw ay nagpositibo sa COVID-19 si Zulkifli.
Tiniyak naman nito na patuloy pa rin ang kaniyang pagtatrabaho sa kaniyang bahay.