Nakisama na rin sa panawagan si Malaysian Prime Minister Mahathir Mohamad na dapat ng magbitiw na sa kaniyang puwesto ang kontrobersiyal na Hong Kong leader na si Carrie Lam.
Kasunod ito ng ilang buwan na ring mga kilos protesta sa nasabing siyudad.
Ayon sa 94-anyos na tinaguriang pinakamatandang lider sa buong mundo, dapat ikonsidera ni Lam ang kalagayan ng Hong Kong.
Ani Mahathir, kung susundin daw nito ang mga mas mataas sa kaniya ay dapat din tanungin ni Carrie ang kaniyang konsensiya.
Para kay Mahathir ang pinakamagandang gawin daw ngayon ni Lam ay magbitiw na lamang sa puwesto.
Magugunitang kahit na ibinasura na ang kontrobersiyal na extradition bill ay hindi pa rin humihinto ang mga protesters at nanawagan sila ng pagbibitiw ni Lam.
Ang panibagong kontrobersiyal na direktiba ngayon ni Lam ay pagbabawal na nang pagsuot ng face mask na inaasahang lalong magpapainit sa mga protesters.