-- Advertisements --

Inanunsiyo ni Malaysian Prime Minister Muhyiddin Yassin na ito ay magbibitiw sa puwesto sa Lunes.

Ito ay matapos na hindi niya nakuh ang majority ng upuan sa ruling coalition.

Hindi naman nagbigay ang miyembro ng parliyamento kung sino ang kanilang ipapalit na na bagong Prime Minister.

Isinumite ni Yassin ang kaniyang resignation kay King Al-Sultan Abdullah.

Noong Marso 2020 ng magwagi si Yassin sa maliit lamang na kalamangan laban sa kaniyang kalaban.

Nagkaroon ng pressure sa kaniya ng maraming mga mambabatas na miyembro ng United Malays National Organization (UMNO) party ang nag-withdrew ng kanilang support.