-- Advertisements --
Pasok na sa Asian Football Confederation (AFC) Women’s Asian Cup sa India ang women’s national football team ng Pilipinas.
Ito ay matapos na talunin ng Malditas ang Hong Kong 2-1 sa qualifiers na ginanap sa Jar Stadium sa Tashkernt, Uzbekistan.
Naitala kasi ni Tahnai Annis ang unang goal sa 17th minuto ng laro habang pasok naman ang goal ni Chandler McDaniel sa 88th minuto ng laro.
Ito na ang pangalawang sunod na pagpasok ng Malditas sa nasabing torneyo.
Sila rin ang nangunguna ngayon sa Group F at 10th Overall sa AFC Women’s Asian Cup.
Nitong linggo ring ito kasi ay tinalo nila ang Nepal 2-1.
Gaganapin ang AFC Women’s Asian Cup mula Enero 20 hanggang Pebrero 6, 2022.