-- Advertisements --
NEW DELHI, India – Inaabangan na sa iba’t-ibang bahagi ng mundo ang kauna-unahang male injectable contraceptives.
Sa kasalukuyan kasi ay dalawang uri lamang ang umiiral na methods of contraception para sa mga kalalakihan.
Pinaka-popular ang paggamit ng condom at pangalawa ang vasectomy.
Ang bagong contraceptive ay tatawaging RISUG na acronym ng reversible inhibition of sperm under guidance.
Naimbento ito ng 78-year-old Delhi-based biomedical engineer na si Dr. Sujoy Guha.
Sa kasalukuyan, dumadaan pa animal at human trials ang nasabing injectable, ngunit inaasahang mailalabas sa mga susunod na taon. (BBC)