-- Advertisements --
Nakita sa bahagi ng Luzon ang pagpasok ng maliit na asteroid nitong madaling araw ng Huwebes.
Ang asteroid 2024 RW1 ay nakita lamang ilang oras bago tumama sa mundo.
Una ng sinabi ng European Space Agency na ang asteroid ay masusunog bago tatama sa atmosphere ng mundo na tinatayang babagsak dakong 12:46 ng umaga.
Nadiskubre ito ng ng Catalina Sky Survey noong nakaraang dalawang linggo.
Ang nasabing astroid ay tinatayang may laki na halos tatlong talampakan.
Noong nakita itong bumagsak sa mundo ay nagmistulang lumiwanag ang kapaligiran kung saan maihahalintulad ito na isang bulalakaw.
Ito na rin ang pang-siyam na asteroid na nakita bago ang pagtama nito sa mundo.